TV

Kylie Padilla at Ruru Madrid, muling magtatambal sa 'TODA One I Love'

By Aaron Brennt Eusebio

Maraming pinakilig ang tambalan nina Kylie Padilla at Ruru Madrid sa sequel ng Encantadia noong 2016 bilang sina Sang'gre Amihan at Ybrahim kaya marami ang naghihintay kung kailan ang susunod na proyekto ng KyRu love team.

Kylie Padilla at Ruru Madrid

Sa first quarter ng 2019, muling magsasama sina Kylie at Ruru sa isang political romantic comedy series, ang TODA One I Love na hatid ng GMA News and Public Affairs.

Bukod sa kilig, asahan din ang katatawanan sa serye at family values na matututunan ng mga manonood.

Abangan ang pagbabalik tambalan nina Kylie at Ruru na tiyak na magpapakilig sa inyo tuwing gabi sa GMA Telebabad.