TV

Kylie Padilla at Ruru Madrid, ano ang pinakamami-miss sa 'TODA One I Love?'

By Aaron Brennt Eusebio

Mapapanood na ang huling episode ng eleksyon-serye na handog ng GMA News and Public Affairs na TODA One I Love ngayong gabi, April 17.

TODA One I Love

Kaya naman inamin ng mga bida nitong sina Kylie Padilla at Ruru Madrid na mami-miss nila ang samahang nabuo sa set.

Kuwento ni Kylie, "Ito yung isa sa pinakamasayang set. Dito talaga ako nag-enjoy sa mga taong katrabaho ko."

Dagdag niya, "As in 'yung pagdating ko sa set, 'Yey!' 'Yung mga ka-eksena ko tatawa naman ganyan."

Sang-ayon naman si Ruru sa sinabi ni Kylie at sinabing may bago silang nabuong pamilya sa show.

"'Yung mami-miss ko 'yung naging bonding namin sa TODA One I Love, siyempre para kaming nakabuo ng bagong pamilya sa kabila ng pagod at hirap," saad ni Ruru.

"I'm very happy na naging part din ako ng show na 'to dahil hindi lang basta entertainment ang nabigay nito kung hindi nakapagbigay aral din talaga."

Panoorin ang huling episode at alamin kung ano ang mangyayari sa kapalaran ni Gelay Dimagiba (Kylie Padilla) at Emong Magsino (Ruru Madrid) mamaya sa TODA One I Love pagkatapos ng Sahaya.