TV

Bianca De Vera, itinuturing na pamilya ang kanyang 'Unbreak My Heart' co-stars

By EJ Chua

Ngayong darating na May 29, mapapanood na ang biggest collaboration television series na Unbreak My Heart.

Kabilang sa star-studded cast ng serye ang Kapuso actor na sina Will Ashley at Kapamilya star na si Bianca De Vera.

Sa naging exclusive interview ng GMANetwork.com kina Will at Bianca kamakailan lang, nagkuwento ang aktres tungkol sa set at sa kanilang co-stars sa upcoming series.

Ayon kay Bianca, para na raw silang isang buong pamilya dahil sa closeness na na-build nila sa isa't isa habang ginagawa ang napakalaking proyekto na ito.

Pagbabahagi niya, “Sa set po namin for Unbreak My Heart, we're really like one whole bonded family, talagang very close given na we all travelled to Europe together. 'Yung chemistry na makikita n'yo on-screen it's very real because it's the same off-screen. So, I'm very very happy about that.”

Abangan sina Will at Bianca sa naturang teleserye.

Samantala, ang pasabog na programang ito ay pagbibidahan ng ilan pang Kapuso at Kapamilya stars na sina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.

Ang Unbreak My Heart ay ipalalabas tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Para naman sa advance streaming, maaari itong mapanood sa May 27, 2023, 9:00 p.m. sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

KILALANIN ANG CAST AT DIRECTORS NG UNBREAK MY HEART SA GALLERY SA IBABA: