TV

Gabbi Garcia, na-challenge mag-taping abroad para sa 'Unbreak My Heart'?

By EJ Chua

Nalalapit na ang pagpapalabas ng pinakaaabangang biggest collaboration ng GMA at ABS-CBN na Unbreak My Heart.

Hindi maikakaila na talaga namang pinaghandaan ito dahil ang ilang mga eksena na mapapanood sa serye ay kinunan pa sa Italy at Switzerland.

Sa naging panayam ng GMANetwork.com sa tinaguriang Millennial It Girl at Sparkle star na si Gabbi Garcia, ikinuwento niya ang ilang detalye tungkol sa katatapos lang na pagte-taping nila sa ilang bahagi ng Europe.

Ayon kay Gabbi, mayroon siyang ginawang adjustments nang mag-taping sila sa Italy at Switzerland.

Pahayag ng aktres, “It was such a memorable experience for me. Napakalaki ng growth as a person and as an actor. Kasi, ang hirap mag-taping sa hindi mo naman teritoryo… Extra effort siya because of the weather, hindi mo hawak 'yung oras mo. And, ofcourse 'yung buong environment mo ay iba.”

Dagdag pa niya, “It was a memorable experience kasi na-test 'yung patience ko as an actor and as a person.”

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni Gabbi na very humbled at honored siya na naging parte siya ng napakalaking proyektong ito.

Samantala, bukod kay Gabbi, mapapanood din bilang lead stars sa serye sina Joshua Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.

Ipapalabas ang upcoming series sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Para naman sa advance streaming, maaari itong mapanood sa May 27, 2023, 9:00 p.m. sa GMANETWORK.com, iWantTFC, at Viu.


SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: