TV

Unbreak My Heart: Renz kay Matt: 'Wala po tayong magiging problema'

By EJ Chua

Palalim nang palalim ang pag-iibigan nina Renz at Alex/Xandra sa drama series na Unbreak My Heart.

Sa pinag-uusapang serye, ginagampanan ni Joshua Garcia ang karakter na si Renz, habang si Gabbi Garcia naman ang gumaganap bilang si Alex/Xandra.

Matapos ang nangyaring surprise wedding proposal, engaged na sina Renz at Alex/Xandra.

Ngayong Martes sa Unbreak My Heart, mapapanood na maghaharap-harap na ang pamilya ng dalawa para pag-usapan ang ilang bagay tungkol sa kanilang kasal.

Makakatagpo na ng buong Zhang family ang mga magulang ni Renz na sina Vangie (Eula Valdes) at Mario (Romnick Sarmenta).

Muli namang makakausap ni Renz si Matt (Richard Yap), ang ama ng kanyang fiancée, na dating asawa ni Rose (Jodi Sta. Maria).

Sa kanilang pag-uusap, mangangako ang binata na magiging maayos ang lahat.

Ayon pa sa kanya, “Wala po tayong magiging problema.”

Mapanindigan kaya ito ni Renz?

Samantala, kaabang-abang na mayroong mabubuong tension sa paghaharap ng dalawang pamilya.

Anu-ano kaya ang kanilang pag-uusapan para kina Renz at Alex/Xandra?

Silipin ang ilang eksenang mapapanood sa bagong episode ng serye sa video na ito:

Abangan ang susunod na mga tagpo sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.