TV

Unbreak My Heart: Manganganib ang buhay ni Renz

By EJ Chua

Kaabang-abang ang susunod na mga mangyayari sa mga karakter sa Unbreak My Heart.

Sa mga nakaraang episode ng serye, napanood na tila unti-unting nagbabago ang mga desisyon ni Renz (Joshua Garcia) sa kanyang buhay.

Kahit nakunan si Alex/Xandra (Gabbi Garcia) pinili pa rin ni Renz na manatili sa tabi nito.

Ipinaglalaban din niya ang kanyang desisyon sa mommy ni Alex/Xandra na kanya ring ex-girlfriend na si Rose (Jodi Sta. Maria).

Natunghayan din noong nakaraang linggo na nabunyag na ang ilang mga sikreto ng ilan sa mga karakter nito.

Tulad na lamang ng sikreto nina Renz at ng kanyang ina na si Vangie (Eula Valdes).

Sa bagong episode ng serye na mapapanood ngayong Lunes, October 9, malalagay sa panganib ang buhay ni Renz.

Ano kaya ang plano ni Dante (Victor Neri) sa anak nina Mario (Romnick Sarmenta) at Vangie?

Silipin ang ilang eksenang mapapanood mamayang gabi sa serye:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Unbreak My Heart.

Mapapanood ang naturang serye tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.