Ciao, 'Unbreak My Heart' fans!
Handa na ba kayo sa mga eksena nina Richard Yap, Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Gabbi Garcia, at iba pang aktor na tiyak na magpapaibig at magpapaluha sa atin ngayong 2023?
Silipin ang ilang larawan mula sa Italy taping ng GMA, ABS-CBN, and Viu's first-ever collaboration TV project sa gallery na ito.
Puspusan na ang paghahanda ng 'Unbreak My Heart' cast at production team para sa upcoming teleserye.
Ilang nakakakilig na mga eksena ang dapat abangan sa tambalang Joshua Garcia at Gabbi Garcia.
Ready na ba kayo sa reunion project nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap?
Abangan ang ilang intense scenes ng 'Unbreak My Heart' na kinuhanan sa Italy.
Grabe naman ang chemistry nina Gabbi Garcia at Joshua Garcia!
Ilan sa mapapanood sa picnic scene na ito ay sina (mula sa kaliwa) PJ Endrinal, Will Ashley, Jodi Sta. Maria, Mark Rivera, at Dionne Monsanto.
Kaway-kaway sa fans ni Richard Yap!
Ihanda na ang inyong mga panyo dahil siguradong paluluhain tayo ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria sa ilan sa kanyang mga eksena.
Mukhang serious mode ang mga karakter nina Joshua Garcia at Gabbi Garcia sa larawang ito!
Ano kaya ang role ni Jeremiah Lisbo sa buhay ng karakter ni Gabbi Garcia sa serye?
Kapansin-pansin na komportable na bilang co-stars sa serye ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia at ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia.
Bukod sa kanyang acting skills, kaabang-abang din ang outfits ni Gabbi Garcia para sa upcoming teleserye na 'Unbreak My Heart.'
Sina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, at Bianca De Vera ay all smiles sa isa sa kanilang mga eksena sa serye.
Ano kaya ang malalim na pinag-uusapan ng mga karakter nina Jodi Sta. Maria, Nikki Valdez, at Will Ashley sa eksenang ito?
Kaabang-abang ang acting skills ng Sparkle star na si Gabbi Garcia sa 'Unbreak My Heart!'
Ilang fans ang hindi na makapaghintay sa muling pagtatambal nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa isang teleserye.