TV

Star-studded cast ng first at biggest collaboration on Philippine TV, ipakikilala na!

By EJ Chua

Mga Kapuso at mga Kapamilya, ihanda na ang inyong mga puso para sa isang napakalaking rebelasyon!

Ngayong Lunes, January 23, 2023, opisyal na nating makikilala ang star-studded cast ng seryeng tiyak na mamahalin ng mga manonood hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba't ibang panig ng mundo.

Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama-sama ang ilang bigating mga aktor ng dalawang TV giants sa Pilipinas, ang GMA at ABS-CBN.

Ayon kay Atty. Annette Gozon-Valdes, GMA Senior Vice-President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Groups, siguradong panalo ang mga manonood sa napakalaking collaboration na ito.

Para naman sa ABS-CBN COO of Broadcast na si Cory Vidanes, ang kaabang-abang na seryeng ito ay maituturing na milestone sa entertainment industry.

Kasama ng GMA at ABS-CBN sa biggest project na ito ang video streaming platform Viu.

Noong Biyernes, January 20, ipinalabas ang unang teaser video tungkol sa proyektong dapat abangan ng mga manonood.

Ipinalabas naman ikalawang teaser video noong January 21.

Kasunod ng ilang pasilip tungkol sa napakalaking TV project na ito, ilang netizens ang hindi na napigilang ibahagi kung gaano sila nasasabik para sa naturang serye na pagsasamahan ng mahuhusay at mga kilalang Kapuso at Kapamilya stars.

Sinu-sino kaya ang mga aktor na kabilang sa serye?

Huwag palampasin ang cast reveal at iba pang update tungkol sa unexpected collaboration na ito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG FRIENDLY ENCOUNTERS NG ILANG KAPUSO AT KAPAMILYA STARS SA GALLERY SA IBABA: