TV

Tambalang Will Ashley at Bianca De Vera sa 'Unbreak My Heart,' inaabangan na ng netizens

By EJ Chua

Isa sa mga dapat abangan na serye na mapapanood sa telebisyon ngayong 2023, ay ang biggest collaboration na Unbreak My Heart.

Ang pasabog na seryeng ito ay pagbibidahan ng kilala at mahuhusay na Kapuso at Kapamilya stars na sina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.

Bukod sa mga nabanggit na aktor, kaabang-abang din ang unang beses na pagtatambal nina Will Ashley at Bianca De Vera, na mapapanood din sa upcoming series.

Usap-usapan ngayon ang TikTok video ng Sparkle star na si Will habang kasama ang aktres na si Bianca.

Sa naturang video, kapansin-pansin ang chemistry ng dalawa habang ginagawa ang kanilang entry para sa isang TikTok trend.

Nang i-upload ni Will ang video sa kaniyang TikTok account, nagsimulang bumuhos ang komento ng netizens tungkol sa kanilang dalawa.

Ilang netizens ang nagsabi na aabangan nila sina Will at Bianca sa Unbreak My Heart.

Ang ilan, napansin na sobrang bagay daw silang dalawa at looking forward sila sa panibagong love team na ito.

@willxashley @biancadeveraa #unbreakmyheart ♬ Sure Thing (sped up) - Miguel

Ngayong 2023, mapapanood sina Will at Bianca bilang magkatambal sa biggest collaboration TV project na Unbreak My Heart, na ipapalabas sa GMA at Viu.

Kasalukuyang nasa Italy ang dalawa para sa taping ng serye kasama ang ilan pa nilang co-stars.

SILIPIN ANG ILANG BONDING MOMENTS NG UNBREAK MY HEART CAST SA ITALY SA GALLERY SA IBABA: