GMA Logo Underage
What's on TV

Tumitinding mga tagpo sa 'Underage,' patuloy na namamayagpag sa TV ratings!

By Dianne Mariano
Published April 17, 2023 10:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilan pang nawalan ng PhilHealth benefits dahil sa 24-hour rule, inilahad ang pagkadismaya
P1.96/kWh nga pagsaka sa electricity rate sa Davao Light, ipatuman I One Mindanao
Gloria Diaz inducted into the Binibining Pilipinas Sisterhood Hall of Fame

Article Inside Page


Showbiz News

Underage


Maraming salamat sa patuloy na pagtutok sa coming-of-age afternoon drama series na 'Underage.'

Patuloy na umaani ng mataas na TV ratings ang coming-of-age drama series na Underage dahil sa pagsubaybay ng mga manonood sa mga tumitinding tagpo nito.

Nakapagtala ng 8.3 percent ratings ang 62nd episode ng programang pinagbibidahan nina Sparkle stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes, ayon sa NUTAM People Ratings.


Sa episode na ipinalabas noong April 13, matatandaan na labis ang galit na naramdaman ni Velda nang matuklasan niya na lahat ng taong malapit sa kaniya ay alam ang totoong ugnayan nina Dominic at Celine.

Napanood din dito na tuluyan nang pinalayas ni Becca sina Lena at Chynna sa kanilang bahay matapos sabihin ng dalaga sa kaniyang tiyahin na hindi na nila kailangan ang tulong nito.

Ibinalita naman ni Becca kay Carrie na pinalayas niya ang ina at nakababatang kapatid nito sa kanilang tahanan. Dahil dito, nagkaroon ng away sa pagitan ng dalawa at sinabi pa ni Becca sa dalaga na gaganti siya sa pamilya nito.

Balikan ang 62nd episode ng Underage sa video na ito.

Patuloy na subaybayan ang mga matitinding tagpo sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime, Kapuso Stream, at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Maaari ring i-stream ang full episodes ng Underage at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.