Simula January 16, mapapanood na ang modern-day coming of age series na 'Underage,' na pinagbibidahan nina Kapuso stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo at Hailey Mendes.
Gaganap ang tatlong aktres bilang ang Serrano sisters na sina Celine (Lexi Gonzales), Chynna (Elijah Alejo), at Carrie (Hailey Mendes).
Kabilang sa cast ng upcoming serye sina Sparkle hunks Gil Cuerva, Vince Crisostomo at Nikki Co.
Mapapanood din dito ang mga batikang aktor na sina Sunshine Cruz, Snooky Serna, Jean Saburit, Yayo Aguila, Christian Vasquez at Jome Silayan.
May espesyal na partisipasyon naman sa 'Underage' ang actor-comedian na si Smokey Manaloto.
Silipin ang behind-the-scenes ng pictorial ng 'Most Controversial Drama of 2023' sa gallery na ito.
Ang 'Underage' ay pinagbibidahan ng tatlong mahuhusay na Kapuso stars na sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo at Hailey Mendes. Gaganap sila bilang Serrano sisters na sina Celine (Lexi Gonzales), Chynna (Elijah Alejo) at Carrie (Hailey Mendes).
Bibigyang buhay ni Lexi Gonzales ang role bilang Celine Serrano, ang panganay sa Serrano sisters na handang tulungan at protektahan ang kanyang pamilya.
Gaganap si Elijah Alejo bilang Chynna, ang bunso sa tatlong magkakapatid na Serrano sisters.
Gagampanan ni Hailey Mendes ang role na si Carrie, ang middle child sa Serrano sisters.
Kabilang din sa 'Underage' ang Sparkle hunks na sina Gil Cuerva, Vince Crisostomo at Nikki Co.
Bibigyang buhay ni seasoned actress Sunshine Cruz ang role bilang Lena, ang nanay ng Serrano sisters.
Isa rin sa mga inaabangan sa nalalapit na serye ay si veteran actress Snooky Serna, na naging bahagi ng '80s film na 'Underage' kasama sina Diamond star Maricel Soriano at Dina Bonnevie.
Mapapanood din sa 'Underage' ang seasoned actress na si Jean Saburit.
Kabilang din sa stellar cast ng upcoming serye ang batikang aktres na si Yayo Aguila.
Abangan ang karakter ni versatile actor Christian Vasquez sa 'Underage.'
Mapapanood din sa 'Most Controversial Drama of 2023' ang aktor na si Jome Silayan.
Abangan ang magiging karakter ni actor-comedian Smokey Manaloto sa 'Underage.'
Abangan ang world premiere ng 'Underage' simula January 16 sa GMA Afternoon Prime.