TV

Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes, bibida sa bagong Kapuso serye na 'Underage'

By Dianne Mariano

Bibida ang young at talented Sparkle artists na sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes sa kaabang-abang na seryeng handog ng GMA Afternoon Prime, ang Underage.

PHOTO COURTESY: lalexigonzales, itselijahalejo, haileymendes1 (IG)

Gaganap ang tatlong Kapuso actresses bilang mga magkakapatid na sina Celine Serrano, 17, (Lexi Gonzales), Chynna Serrano,15 (Elijah Alejo), at Carrie Serrano, 16, (Hailey Mendes).

Ang kuwento ng Underage ay tungkol sa tatlong magkakapatid na sina Celine (Lexi Gonzales), Carrie (Hailey Mendes), at Chynna Serrano (Elijah Alejo) na maagang haharapin ang mga pagsubok sa buhay mula nang sila ay mag-viral sa social media dahil sa isang malisyosong video na kanilang kinasasangkutan.

Ang simpleng buhay ng kanilang pamilya, paano ba mauuwi sa pagdurusa?

Kabilang din sa cast ng Underage sina Kapuso actors Gil Cuerva, Vince Crisostomo, at Nikki Co.

Mapapanood din dito ang mahuhusay at batikang mga aktor na sina Sunshine Cruz, Snooky Serna, Jean Saburit, Yayo Aguila, Christian Vasquez, at Jome Silayan.

May special participation naman sa Underage ang actor-comedian na si Smokey Manaloto.

Ang Underage ay handog ng GMA Entertainment Group sa pamumuno nina Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Reasonable, Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy, Assistant Vice President for Drama Ali Marie Nokom-Dedicatoria, at Senior Program Manager Camille Hermoso.

Abangan ang Underage soon sa GMA Afternoon Prime.