TV

Mga eksena sa first two episodes ng 'Underage,' mayroon nang mahigit 3M views sa FB

By Dianne Mariano

Iba't ibang matitinding eksena ang nasaksihan sa unang linggo ng pinakabagong GMA Afternoon Prime series na Underage, na pinagbibidahan nina Kapuso stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.

Umabot ng mahigit two million views sa GMA Drama Facebook page ang eksena sa pilot episode ng nasabing serye, kung saan mapapanood ang Serrano sisters na nagvi-video habang sumasayaw sa ilog.

Sa naturang eksena, matatandaan na nagkaroon ng wardrobe malfunction si Chynna (Elijah Alejo) habang sila'y sumasayaw at patagong kinuhanan ni Lester (Anjay Anson) ng video ang magkakapatid.

Bukod dito, nasa mahigit one million views naman ang matinding eksena sa pagitan nina Lena (Sunshine Cruz) at Becca Serrano (Yayo Aguila), ang kapatid ni Delfin (Smokey Manaloto).

Sa ikalawang episode ng serye, inilahad ni Becca ang sikreto ni Lena sa harap ng kanyang mga anak at ng maraming tao habang nasa libing ni Delfin.

Matatandaang naaksidente si Delfin sa daan matapos habulin si Lester dahil sa pagpapakalat ng video ng Serrano sisters.

Samantala, umani ng 7.1 percent ratings ang ikatlong episode ng Underage, base sa NUTAM People Ratings. Sa episode noong January 18, inamin na ni Lena sa kanyang mga anak ang katotohanan tungkol sa kanilang tunay na mga ama.

PHOTO COURTESY: GMA DRAMA (Facebook)

Patuloy na subaybayan ang mga matitinding tagpo sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via livestream sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.