GMA Logo Lexi Gonzales, Elijah Alejo, Hailey Mendes
PHOTO COURTESY: sparklegmaartistcenter (IG)
What's on TV

Lexi Gonzales, Elijah Alejo, Hailey Mendes, may sagot sa mga nagsasabing 'too sensitive' ang mga Gen Z

By Dianne Mariano
Published January 22, 2023 1:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales, Elijah Alejo, Hailey Mendes


Isa sa mga puna ng ilan sa Generation Z ay ang pagiging overly sensitive. Ano kaya ang masasabi nina 'Underage' actresses Lexi Gonzales, Elijah Alejo, Hailey Mendes tungkol dito?

Ayon kina Kapuso actresses at Underage lead stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes, hindi raw totoo ang puna ng ilan na overly sensitive ang kanilang henerasyon na Gen Z.

“Actually, we're not a snowflake generation. Rather we are a generation that's empowered enough to speak our minds. We will not take anything from anyone, na if na-offend kami, sasabihin namin. We have the courage and we have the strength,” pagbabahagi ni Lexi sa bagong episode ng Updated with Nelson Canlas podcast, na ipinalabas din sa 24 Oras Weekend kahapon.


Ayon naman kay Elijah, iniisip lamang ng kanilang henerasyon ang nararamdaman ng ibang taong kanilang nakakasalamuha.

“Iniisip na nila ngayon 'yung mga iba like, 'Hala, is this offensive?' And we aren't afraid to call out people na nakakagawa ng offensive na bagay. Kahit hindi naman necessarily kami 'yong na-o-offend,” aniya.

Ikinuwento rin niya ang attitude ng Gen Z tungkol sa pagtanggap ng mga puna, lalo na sa online world.

“May mga bashers talaga, e. [Nagbago] na rin 'yung mindset ko na, I'll do me. Kung magustuhan man nila or hindi, e 'di bahala sila, ito ako, e,” saad niya.

Para naman kay Hailey, maaaring iniisip ng ibang tao na sensitive ang kanilang kinabibilangang henerasyon dahil pinagtutuunan nila ang iba't ibang usapin at isyu, ngunit ito rin ang nagbibigay sa kanila ng lakas o empowerment.

Mapapanood ang Underage tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Fast Talk with Boy Abunda.

Mapapanood din ang programa via livestream sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.