GMA Logo Jome Silayan Hailey Mendes ratings poster
What's on TV

Episode ng pagkikita nina Carrie at Rico sa 'Underage,' humataw sa ratings!

By Dianne Mariano
Published March 14, 2023 5:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel secures top spot with win vs Meralco; Oftana powers TNT past Blackwater
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Jome Silayan Hailey Mendes ratings poster


Panalo sa ratings ang 40th episode ng GMA Afternoon Prime series na 'Underage' na ipinalabas noong nakaraang Biyernes (March 10).

Iba't ibang matitinding tagpo ang napanood sa 40th episode ng GMA Afternoon Prime series na Underage noong nakaraang March 10.

Sa katunayan, nakapagtala ng 6.8 percent rating ang nasabing episode ng seryeng pinagbibidahan nina Sparkle stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes, ayon sa NUTAM People Ratings.

Matatandaan sa naturang episode na nagkita sina Carrie (Hailey Mendes) at ang ama nito na si Rico (Jome Silayan) nang puntahan ng huli ang tahanan ng dati niyang nobya na si Lena (Sunshine Cruz).

Umani pa ng 1M views sa official Facebook page ng GMA Drama ang eksena ng pagkikita ng mag-amang Carrie at Rico.

Napanood din sa 40th episode ng Underage ang bagong pagsubok na kinakaharap ni Chynna (Elijah Alejo) matapos niyang malaman na siya ay nagdadalang-tao dahil sa panggagahasa na ginawa sa kanya ni Leo (Nikki Co).

Balikan ang March 10 episode ng Underage sa video na ito.

Subaybayan ang mga matitinding tagpo sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Mapapanood din ang Underage via Kapuso stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.