
Patuloy na humahataw sa TV ratings ang GMA Afternoon Prime series na Underage, na pinagbibidahan nina Sparkle stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.
Sa katunayan, nakapagtala ng 7.1 percent rating ang 45th episode ng nasabing coming-of-age series, na ipinalabas noong March 17, ayon sa NUTAM People Ratings.
PHOTO COURTESY: GMA Drama (FB)
Matatandaan sa episode ng Underage na ito nalaman na ni Carrie (Hailey Mendes) na si Rico (Jome Silayan) ay ang kaniyang tunay na ama. Si Rico ay ang dating nobyo ng ina ni Carrie na si Lena (Sunshine Cruz).
Matapos malaman ni Carrie ang katotohanan tungkol sa kaniyang tatay, sinubukan ni Becca (Yayo Aguila) na manipulahin ang dalaga para lalo nitong gustuhin na makilala at makasama si Rico.
Samantala, sinubukan ni Celine (Lexi Gonzales) na makipag-ayos kay Meggy upang maging maayos ang kanilang pananatili sa loob ng juvenile center ngunit patuloy pa rin ang pagiging masama ng huli.
Balikan ang March 17 episode ng Underage sa video na ito.
Tutukan ang mga matitinding tagpo sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
Mapapanood din ang Underage via Kapuso stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.