TV

Elijah Alejo on her growth as an actress: 'Nag-mature ako'

By Dianne Mariano

Napanood na sa iba't ibang programa ng Kapuso network ang Sparkle teen actress na si Elijah Alejo.

Sa isang Kapuso web exclusive video, binalikan ni Elijah ang ilang sa mga naging karakter niya sa mga GMA teleserye tulad ng My Husband's Lover (2013), Super Ma'am (2017), Ika-6 Na Utos (2016), at Prima Donnas (2019).

Ibinahagi rin ni Elijah sa naturang video kung paano ang naging growth niya bilang isang aktres.

Ayon sa Kapuso star, siya ay nag-mature pagdating sa pag-arte dahil pinag-aaralan niya nang mabuti ang bawat role na kanyang ginagampanan.

Kuwento niya, “Siguro 'yung nag-mature ako, in terms of acting. 'Yung napag-aaralan ko na talaga 'yung mga characters na binibigay sa akin. Mas alam ko na kung ano 'yung bagay na atake sa character ko, kung kontrabida man sila or hindi, kung mas bagay ba sa kanilang mataray or not. And talagang hindi na ako 'yung batang artista na laro-laro lang sa set. Kumbaga kung ano lang sabihin ng director, 'yun lang.”

Dagdag pa ni Elijah, ngayon ay nakapagbibigay na rin siya ng sariling suggestion sa gagawin ng kanyang roles.

Aniya, “Ngayon nakakapagbigay na rin ako ng mga insights kung ano sa tingin ko 'yung dapat gawin ng character ko, kung ano 'yung magandang gawin ng character ko.”

Ano kaya ang reaksyon ni Elijah sa kanyang previous TV roles sa GMA? Panoorin sa video sa ibaba.


Kasalukuyang mapapanood si Elijah sa coming-of-age drama series na Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Mapapanood din ang nasabing serye via Kapuso stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SILIPIN ANG KAPUSO PROFILES SHOOT NINA LEXI GONZALES, ELIJAH ALEJO AT HAILEY MENDES SA GALLERY NA ITO.