TV

'Unica Hija' viewers, na-stress sa karakter ni Mark Herras sa 'Unica Hija'

By Jansen Ramos

May panibagong kontrabidang kinakaharap ngayon ang Kapuso actress na si Kate Valdez sa GMA Afternoon Prime series na Unica Hija.

Ito ay si Mark Herras, na gumaganap na matandang bersyon ng kaibigan ni Bianca (Kate Valdez) na si Zach.

Matatandaang ang aktor na si Kych Minemoto ang gumanap na young Zach sa Unica Hija.

Head over heels para kay Bianca si Zach kaya naman hanggang sa pagtanda nito ay nadala niya ang infatuation sa yumaong kaibigan.

Dahil sa obsession ni Zach kay Bianca, bumalik ang kanyang feelings para rito nang makita niya ang clone ng huli na si Hope, na ginagampanan din ni Kate.

Pinagkatiwalaan ni Hope si Zach na tutulungan siya nitong hanapin ang kanyang mga tunay na magulang pero lalo pang siya nitong nilagay sa panganib.

Kinidnap at itinago sa isang bahay ni Zach si Hope dahil kamukang-kamukha nito si Bianca.

Kung tutuusin, may pagka-psychopath ang karakter ni Mark sa Unica Hija, bagay na ikina-stress ng mga manonood.

"Creepy" nga raw ang role ni Mark sa Kapuso afternoon drama. Sa kwento, natagpuan ni Zach si Hope sa parehong edad kung kailan namatay si Bianca. Maaaring doble ang agwat ng edad ni Zach kay Hope.

Samantala, kung marami ang naiinis kay Zach, ilan din ang nagpahayag ng kanilang interes sa story twist na ito sa Unica Hija na may temang psychological.

Patuloy na subaybayan ang Unica Hija, weekdays, 3:25 p.m., pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.

Ang livestreaming ng serye ay available sa GMANetwork.com at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Kung ma-miss mo man ito, maaaring i-stream ang full episodes at episodic highlights ng Unica Hija at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

NARITO ANG PASILIP SA SET NG UNICA HIJA: