TV

Issa Litton, enjoy sa kanyang acting stint sa 'Unica Hija'

By Nherz Almo

Natutuwa ang aktres na si Issa Litton na umaani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga manonood ang pagganap niya bilang Tamara sa Unica Hija.

“I'm very grateful na naipapakita lang yung kaya kong gawin,” sabi ni Issa nang sandal siyang makausap ng GMANetwork.com sa “Gifted Together” event na kanyang ini-host kamakailan.

Dagdag pa niya, “I like na nakakakuha ako ng reaction. Mabuti na yung may reaction. So, hate, love, you cheer for me, you boo me, buti nga may reaksyon. It means, I'm effective. So, thank you.”

Bagamat maituturing na kontrabida siya sa nabanggit na GMA Afternoon Prime series, nagustuhan daw ni Issa na hindi lang puro galit ang naipapakita ng kanyang karakter.

Aniya, “I love how fleshed out the characters are, hindi always monotonous, hindi siya straight line, may arko. So, panoorin n'yo na lang. It just gets really, really, interesting.”

Nabanggit din niya ang magandang samahan nila ng cast ng programa. Sa katunayan, proud siya sa mga bidang young actors na sina Kate Valdez at Kelvin Miranda

Kuwento niya, “I'm really, really proud. Kate Valdez, Kelvin Miranda, I love playing oppositve BJ [Palanca], everyone involved; at si Katrina, napaka-intense. Ang sarap ng cast, just to be able to play with all of them.

“This is what I really love. A lot of people think na baguhan ako sa acting, may in mainstream. But acting has always been a real first love, to be honest. People think that I host more, but acting was my first love. I'm happy that I get to do it more nowadays.”

Kaugnay nito, binigyang-puri niya ang mga tao sa likod ng programa, lalo na ang mga bumuo ng konsepto ng Unica Hija.

“Here's a nice part, it's a very deep humanity question pero may science. Kailan ka nakakita ng show na ganun, ang ganda at ang galing ng writing. It really just goes to show na pinu-push ng GMA ang limits ng storytelling.

“It just also goes to show na interesado ang audience. Let's not keep giving the usual formula. Ang ganda na nag-e-explore tayo ng iba't ibang stories nowadays,” paglalahad ni Issa.

Sa kabilang banda, bukod sa pagiging aktres, kilala rin si Issa bilang mahusay na host, lalo na sa corporate events.

Bagamat mas madalas na siyang napapanood sa mga teleserye ngayon, sinigurado naman ni Issa na hinding-hindi niya kalilimutan ang kanyang hosting career.

“I definitely won't stop in the hosting industry. Ang galing ng manager ko [sabay turo sa itaas], everything falls into place. Even with production schedules, maybe after an event, diretso ako sa set, I've done that. Especially during Unica Hija, from the set, diretso na to an event.

“Binibigyan ako ng energy ng ating [Panginoon]. Kung mahal n'yo kasi, honestly, if you love what you do, you will find that energy to keep doing what you want. I think that's where my heart really is, both hosting and acting,” sabi ni Issa.

Patuloy na subaybayan si Issa at ang buong cast ng Unica Hija sa GMA Afternoon Prime. Mapapanood din ito online sa pamamagitan ng Kapuso Stream.

SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA DOPPLEGANGER NI HOPE SA UNICA HIJA: