
Hanggang ngayon, pinatunayan ni Maricar De Mesa ang kanyang pagiging epektibong kontrabida sa telebisyon kahit ilang beses na siyang gumanap sa antagonistic roles.
Sa ngayon, napapanood siya bilang Lorna sa GMA Afternoon Prime series na Unica Hija.
Sa serye, nanay-nanayan ni Lorna ang bidang si Hope, na ginagampanan ni Kate Valdez.
Gagawin ni Lorna ang lahat para sa pera. Kailan man ay hindi niya trinato nang tama si Hope, na inampon ng asawa niyang si Jhong (Biboy Ramirez).
Sa episode ng Unica Hija noong February 10, bumuhos ang inis ng viewers kay Lorna dahil tila narating na nito ang rurok ng kasamaan nang harap-harapang bastusin ang burol ng inaakala niyang si Hope. Si Fatima, ang isa pang clone ni Bianca, ang namatay.
Pinasok pa ni Lorna nang walang paalam ang bahay ni Diane (Katrina Halili) kung saan nakalagak ang mga labi ni Fatima at nag-selfie sa burol, na ikinagalit ng avid viewers ng Unica Hija.
Narito ang ilang reaksyon sa eksena ni Maricar sa Kapuso afternoon drama:
Sinubaybayan naman online ang nasabing eksena na nakakuha ng mahigit 2.3 million views sa Facebook page ng GMA Drama sa loob lamang ng ilang araw.
Sa pagpapatuloy ng kwento ng Unica Hija, nakita ni Lorna ang totoong Hope sa libingan ni Jhong.
Nagpanggap naman na mabait si Lorna kay Hope para mapunta muli ito sa kanyang poder para pagkakitaan ng pera lalo pa't alam na niya na isang clone ang dalaga.
Mapapanood ang Unica Hija weekdays pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA 7 at sa Pinoy Hits (Channel 6) ng GMA Affordabox at GMA Now.
Ang lives tream ng serye ay available sa GMANetwork.com, at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Kung ma-miss mo man ito, maaaring i-stream ang full episodes at episodic highlights ng Unica Hija at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
NARITO ANG ILANG LARAWAN SA SET NG UNICA HIJA: