TV

Alden Richards at Ex Battalion, nag-collaborate para sa 'Victor Magtanggol' theme song

By Marah Ruiz

Bukod sa pagiging bida ng upcoming GMA telefantasya na Victor Magtanggol, si Kapuso actor Alden Richards din ang kakanta ng theme song nito.

Kasama pa niya ang always trending Pinoy hip-hop group na Ex Battalion. Mga miyembro pa ng grupo mismo ang nagsulat ng kanta. 

"Sobrang natuwa ako kasi 'yung pagsabi sa amin ni Ma'am Aiai [delas Alas] na si Alden, doon palang ay sige sulat na ko para doon sa verse," paliwanag ng Ex Battalion member na si Mark.

Napasabak naman sa rap si Alden sa pagkanta ng awit. 

"'Yung Victor Magtanggol po is about sa famliy. It's drama, adventure at saka fantasy so bagay na bagay 'yung kantang 'yun para show," kuwento naman ni Alden sa kanyang panayam sa 24 Oras.

Video courtesy of GMA News

Sing-along to the lyric video of "Superhero Mo," the official theme song of Victor Magtanggol.