TV

Lolit Solis, excited na rin para sa 'Victor Magtanggol'

By Marah Ruiz

Isa si veteran showbiz writer at celebrity manager Lolit Solis sa mga masugid na naghihintay sa GMA Telebabad series na Victor Magtanggol—ang upcoming superhero telefantasya na pagbibidahan ni Kapuso actor Alden Richards.

Pinuri niya ang artista nito na pursigido sa paggawa ng kanilang sariling stunts.

"Mukhang exciting ang Victor Magtanggol Salve, hah. Balitang hirap ng husto si Alden Richards sa rami ng fight scenes at pati si John Estrada nakipagsabayan sa mga action scenes," sulat niya. 

Inaasahan din niyang makita ang husay ng iba pang mga artistang bahagi ng serye. 

"Mukha ngang ibang-iba ang magiging role dito ni Alden, at sa laki at lakas ng suporta niya hindi na lang si Alden ang mapapansin mo. Nandiyan si John, nandiyan si Coney Reyes, si Benjie Paras, iba't ibang character ang ipapakita dito ni Alden," pagpapatuloy niya. 

Positibo rin para kay 'Nay Lolit ang iba't ibang mga temang tatalakayin dito. 

"Kaya naman bukod sa titingnan mo how it will fare without any love angle, how well it will go as a vehicle sa varied characters na gagampanan ni Alden. May drama, may action at fantasy, bongga, nasa Victor Magtanggol na lahat ha," aniya.