TV

LOOK: Lolit Solis reacts to Alden's Victor Magtanggol costume

By Bea Rodriguez

 

“Bongga naman Salve ang costume ni Alden Richards para sa Victor Magtanggol,” bungad ng veteran showbiz commentator na si Lolit Solis sa kanyang Instagram post.

Mala-Iron Man raw ang dating ng costume ng actor sa kanyang upcoming GMA Primetime drama-fantasy series na talagang ipagmamalaki na gawang Pinoy, “Wish ko talaga na magtagumpay ang seryeng ito.”

WATCH: 'Victor Magtanggol' costume ni Alden Richards, ipinasilip

Hiling rin ng entertainment news writer na suportahan ng mga tao ang solo careers nina Alden at ng kanyang phenomenal love team partner na si Maine Mendoza.

Tinitiyak ni Manay Lolit na muling magsasama ang dalawa sa iisang proyekto soon.