TV

EXCLUSIVE: Janine Gutierrez, pangarap na mapasama sa higanteng telefantasya na 'Victor Magtanggol'

By Aedrianne Acar

Isa sa mga talented na artista na mapapanood sa first action superhero series ni Alden Richards ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

EXCLUSIVE: Andrea Torres on working with Alden Richards: "Magaling siyang lider"

Hindi tuloy maitago ng magandang aktres ang kaniyang excitement nang malaman niya na mapapasama siya sa Victor Magtanggol na ang kuwento ay inspired sa Norse mythology.

EXCLUSIVE: Creator Jules Katanyag explains why 'Victor Magtanggol' is definitely not a rip-off of the movie 'Thor'

Wika ni Janine, “Exciting because it’s a story that I’ve always known so for it to be adapted by GMA para sa mga Kapuso, nakakatuwa na nakikita ko sa Philippine setting itong Norse mythology na talagang alam ko na interesado talaga ang maraming tao tungkol sa superheroes, sa mga myths, sa mga gods.”

Dream come true rin ito para sa Kapuso actress na lumaki na nanonood ng mga popular telefantasya tulad ng Mulawin.

Saad niya, “Pangarap ko talaga dati pa na mapasama sa isang telefantasya kasi I grew up watching Mulawin, Dyesebel at ibang experience siya dahil makakakita ka ng mga bagay na hindi mo nakikita usually sa pang-araw-araw mong buhay and nararamdaman mo na talagang mata-transport [ka] sa ibang mundo.”

Dagdag ng Kapuso actress, “Kaya siguro na-e-enjoy rin ng mga Kapuso na manood ng telefantasya and ganun din ‘yung feeling kapag parte ka sa isang telefantasya.”

Ramdam na rin daw niya bilang isa sa mga lead star ng Victor Magtanggol ang pressure dahil hindi biro ang ginastos at preparations ng Kapuso Network para sa show.

“Always, always may pressure, lalo na dito sa Victor Magtanggol dahil napakaganda ng kuwento, may aksyon, may comedy, may drama. At grabe ‘yung mga costume, ‘yung set, ‘yung mga location. So, siyempre bilang artista mape-pressure ka talaga na magampanan nang mabuti ‘yung role,” paliwanag ni Janine.

Bukod kay Janine, makakasama rin sa Victor Magtanggol sina Coney Reyes, John Estrada, Andrea Torres at Yuan Francisco.