TV

Alden Richards, ramdam ang suporta ng GMA bosses sa 'Victor Magtanggol'

By Bea Rodriguez

Alam n’yo bang si Pambansang Bae Alden Richards mismo ang nangunguna sa paggawa ng kanyang pinagbibidahang GMA Telebabad action-fantasy series na Victor Magtanggol?

WATCH: Alden Richards, first time nagkaroon ng "say" sa kanyang pinagbibidahang project

May sariling “touches” ang aktor sa paggawa ng kanyang Pinoy superhero TV series, “Talagang very hands-on ako dito sa Victor Magtanggol. Nakikinig [sila] sa mga suggestions ko bilang gamer ako, so medyo may konting background ako when it comes to costumes, when it comes to special effects, when it comes to layouts ng mga CGI (computer-generated imagery) monsters.”

Ang Kapuso network pa raw ang kauna-unahang gagamit ng motion capture para mabuo ang serye, “Iyon ‘yung motion sensor na ilalagay sa katawan para ma-capture ‘yung mas fluid na movements for the CGI.”

Mismo raw si Alden ang sumusuri ng kakalabasan ng kanyang soap at pinuri pa niya ang team ng GMA Post Production, “Hands down ako, parang nag-level up ng dalawang levels ‘yung ipapakita nila ngayon sa Victor Magtanggol.”

Higit sa lahat, nagpapasalamat ang Kapuso star sa suporta ng kanyang mga boss sa GMA, “Nakakatuwa po talaga ang support ng network. GMA has always been there. I’ve never felt this treatment before sa mga shows na nagawa ko. With Victor Magtanggol ngayon, I’m so thankful sa mga bossing ko sa taas sa sobrang support. Ramdam na ramdam ko po [ang kanilang] 110,000% [support].”

“Sobrang excited na po kami na makita ‘yung pilot day. Na-preview na namin siya most of the scenes. Panoorin niyo na lang po, and let us know your feedback. Masaya po kami sa end product ng show,” ani ng Kapuso leading man sa panayam ng GMANetwork.com.