TV

Alden Richards, walang double sa paggawa ng stunts sa 'Victor Magtanggol?'

By Gia Allana Soriano

Sa kanyang paghahanda sa superhero role niya sa Victor Magtanggol, isa sa mga talagang pinaghandaan ni Alden Richards ay ang kaniyang physique. 


Aniya sa kanyang interview sa Tonight With Arnold Clavio, "Mahirap po kasi 'yan. Kasi kailangan bilang superhero, physically fit ka, eh. Kasi chinallenge ko po talaga 'yung sarili ko talaga na gawin lahat ng stunts na hindi nagpapa-double. 'Yun po, physical fitness."

Ikinuwento rin niya na pangarap talaga niya ang magkaroon ng superhero role. Ika ni Alden, "Dream ko nung bata pa ako. Kasi lahat naman siguro tayo bilang artista, bilang mga aktor, especially 'yung mga younger [stars], 'yung mga bata, nangarap 'yan maging superhero minsan sa buhay nila. So, ito po, nabigyan ako ng pagkakataon ng GMA na maging [superhero]. Masaya kasi parang ang nilu-look forward ko rin dito is 'yung [reaksiyon ng mga] bata, 'yung kids."

Panoorin ang interview ni Arnold Clavio kay Alden:

Video courtesy of GMa Public Affairs