TV

WATCH: Isang grupo ng filmmakers, ginawan ng anime-inspired opening ang 'Victor Magtanggol'

By Marah Ruiz

Isang anime-inspired opening sequence ang ginawa ng grupong Shmek'm para sa GMA Telebabad series na Victor Magtanggol.

Ang Shmek'm ay grupo ng mga filmmakers mula sa Davao at ibinahagi nila ang kanilang video fan art sa kanilang YouTube channel.

Ang kantang ginamit nila para sa video ay pinamagatang "The Day" mula sa Japanese rock band na Porno Graffitti. Ang awit na ito ang opening theme ng hit anime superhero series na My Hero Academia.

Panoorin ang kanilang video:

Samantala, patuloy na panoorin ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.