TV

WATCH: Alden Richards, Andrea Torres at Pancho Magno, nag-rehearse para sa fight scenes ng 'Victor Magtanggol'

By Marah Ruiz

Para sa kaligtasan ng mga aktor at stuntmen sa set, minarapat ng Victor Magtanggol stars na sina Alden Richards, Andrea Torres at Pancho Magno na i-rehearse ang kanilang fight scenes.

"Kailangan kasi 'yung muscle memory para alam nila. Hindi na sila maninibago 'pag may action na gagawin," paliwanag ng kanilang fight instructor na si Ralph Roxas.

"Kasi sila talaga ang gumagawa [ng stunts]. Bihira na kasi ngayon 'yung dumo-double," dagdag pa nito.

Para kay Alden, mahalaga raw para sa kanya ang mga ganitong training.

"From experience, 'yung mga nagawa kong fight scenes prior to Victor Magtanggol, 'pag doon ko lang naaaral minsan 'yung stunts, ang pangit ng execution. In a way kung rehearsed siya, mas maganda siyang tingnan at mas na-e-enhance namin 'yung mga kilos at galaw pagdating sa set," paliwanag niya.

Panoorin ang ilang bahagi ng rehearsal niya kasama sina Andrea at Pancho sa buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras: