TV

WATCH: May lamat pa rin ang pamilya ni 'Victor Magtanggol'

Sa September 21 episode ng Victor Magtanggol, hindi pa rin matanggap ni Lynette (Chynna Ortaleza) ang pagbabalik ni Vivienne (Coney Reyes).

Nakapaglabas na ng sama ng loob si Lynette pero ayaw naman niyang bigyan ng pagkakataong magpaliwanag ang ina. Samantala, tuloy pa rin ang vendetta ni Gwen (Janine Gutierrez) laban kay Hammerman (Alden Richards).

Patuloy na panoorin ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.