TV

WATCH: Madaragdagan ang nakakaalam ng sikreto ni 'Victor Magtanggol'

Sa September 26 episode ng Victor Magtanggol, tuturuan ni Victor (Alden Richards) si Ami (Kylie Padilla) sa pakikipaglaban.

Pero hindi ito sapat nang dukutin ng mga tauhan ni Alcala (Pen Medina) sina Lena (Gabbi Garcia), Aya (Sanya Lopez) at Ina (Glaiza De Castro).

Sa tulong ni Ami, mahahanap na ni Victor ang kanyang mga gwantes para ipakita niya rito ang kanyang pagpapalit anyo bilang si Hammerman.

Patuloy na panoorin ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.