TV

'Victor Magtanggol' game app, maaari nang i-download!

By Marah Ruiz

Pinasok na rin ni Victor Magtanggol ang mobile gaming world!

Available na kasi ang official Victor Magtanggol game app para sa iOS at Android devices.

Tumakbo kasama si Victor at talunan ang mga balakid para mabuksan ang iba't ibang trivia tungkol sa kanya at sa kanyang mundo.

I-download ang free app na ito sa App Store at sa Google Play.

Ang Victor Magtanggol game app ay mula sa GMA New Media Inc. na nag-develop din ng official GMA Network app at Encantadia Blast na base sa hit series na Encantadia.