TV

WATCH: Magbabalik ang mga anak ni Loki sa 'Victor Magtanggol'

By Marah Ruiz

Ngayong gabi, November 13, sa Victor Magtanggol, pagbabantaan ni Loki (John Estrada) ang mga Magtanggol.

Kaya naman mapipilitan si Victor (Alden Richards) na isuko sa kanya ang mjolnir.

Samantala, magiging instrumento sa pagbabalik ng mga anak ni Loki sina Lynette (Chynna Ortaleza) at Lance (Kristoffer Martin).


Huwag palampasin ang nalalapit na heroic finale ng Victor Mangtanggol, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.