TV

WATCH: Alden Richards at Wil Dasovich, nagpaligsahan sa mga linya ng 'Victor Magtanggol'

By Marah Ruiz

Nagbalik na naman sina Kapuso actor Alden Richards at Filipino-American vlogger Wil Dasovich para sa panibagong Kapuso Exclusive video.

Kailangan nilang kumpletuhin ang mga linya mula sa GMA Telebabad series na Victor Magtanggol.

Maalala pa kaya ni Alden ang mga linya mula sa kanyang serye? Kayanin kaya ni Wil ang mga malalalim na Tagalog mula rito?

Panoorin ang kanilang kulitan sa Kapuso Exclusive na ito:

Huwag ding palampasin ang nalalapit na heroic finale ng Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.