TV

READ: Kristoffer Martin, nagpasalamat kay Alden Richards

By Bianca Geli

Nagbigay ng pasasalamat ang Victor Magtanggol actor na si Kristoffer Martin kay Alden Richards sa pagtatapos ng kanilang programa.

Ani ni Kristoffer, “To the hammerman himself, maraming maraming salamat sa pagiging hindi lang superhero sa soap, kundi saming mga katrabaho mo rin.

“You've fought for us. Alam at ramdam namin. Ikaw yung kapitan nito at dinala mo kami sa lugar na panalo tayo.

“Mas pinahanga mo ko bilang kapatid mo dito sa proyektong to. Na wala akong narinig na kahit anong reklamo galing sayo, na kahit sagad sagaran na, lalabas ka ng tent na nakangiti.

“Isang malaking bagay na lahat kami dinadala mo sa vision mo sa project na to. At masaya akong nakitang narating nating lahat yon.

“Mahal kita kapatid! You've fought very hard for this. Saludo ako sayo! Hanggang sa susunod na proyekto!”

Gumanap sa Victor Magtanggol si Alden Richards bilang Victor o Hammerman at si Kristoffer naman bilang Lance o Fenrir.