TV

Dave Bornea, karangalan na makatrabaho si Alden Richards sa 'Victor Magtanggol'

By Marah Ruiz

Sa bandang gitna ng takbo ng GMA Telebabad superhero series na Victor Magtanggol pumasok si Kapuso actor Dave Bornea, pero itinuturing pa rin niyang isang karangalan ang maging bahagi nito.

Ang telefantasya show na ito kasi ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makatrabaho ang kanyang idol na si Alden Richards.

"Isang malaking karangalan na makasama sa show at maka trabaho ang isa sa iniidolo ko. Congratulations kuya @aldenrichards02 sa successful show ng Victor Magtanggol sobrang proud kami sayo. Madami kang naiinspire na tao kuys. God bless kuys deserve mo lahat na meron sayo. 🏻🏻," sulat niya sa kanyang Instagram account.

Gumanap si Dave bilang Iking, isa sa mga kapitbahay ni Victor na tumulong sa kanya sa huling laban ng Midgard.

Lubos ang naging excitement ng mga netizens sa finale episode at napaabot pa nila ang official hashtag nitong #VMTheHeroicFinale sa top trending topic ng Twitter Philippines.

Balikan ang ilang mga eksena mula finale ng superhero series na Victor Magtanggol.