Ginanap ang media conference ng upcoming GMA Telebabad telefantasya na 'Victor Magtanggol' noong July 23.
Itinuturing ni Alden na isang 'accomplishment' ang pagganap bilang isang superhero.
Narito na ang bagong tagapagtanggol!
Ipinakita rin nila sa dumalong miyembro ng media ang kanilang mga costumes. Narito sina Miguel Faustmann bilang Magni, John Estrada bilang Loki, Alden Richards bilang Victor Magtanggol, Andrea Torres bilang Sif, at Pancho Magno bilang Modi.
Sina Reese Tuazon, Lindsay Johnston, Dion Ignacio, Chynna Ortaleza, Yuan Francisco, Coney Reyes at Al Tantay ang bubuo ng pamilya ni Victor.
Isang political clan naman ang mga Regalado na binubuo nina Freddie Webb, Eric Quizon, Maritoni Fernandez, Janine Gutierrez, at Kristoffer Martin.
Si Dominic Zapata ang magsisilbing director ng show. Ayon sa kanya, nais niyang ialay ang show sa kanyang mga yumaong mentors na sina Jake Tordecillas at Maryo J. delos Reyes.
Si Arianne Bautista ang nagsilbing host ng media conference.
Tampok din sa media conference ang ilang paintings na nagpapakita ng mga kuwento ng Norse mythology.
Nasulyapan din ang mjolnir ni Thor na mamanahin ni Victor.
Abangan ang 'Victor Magtanggol,' simula July 30 sa GMA Telebabad.