TV

Nicole Dulalia, hindi na inaapi ni Tanya Garcia

Super Twins noong 2007. Makalipas ang ilang taon, muli silang naging magkatrabaho sa paganda nang pagandang Afternoon Prime soap na Villa Quintana.



Si Nicole ang gumanap sa character ni Sha-Sha ng Super Twins, ang isa sa mga kambal na nagiging superhero dahil sa mahiwagang singsing. Tumatak ang character ni Nicole dahil nagta-transform siya bilang isang teenager sa katauhan ni Jennylyn Mercado kapag nagiging superhero siya.

Samantala, si Tanya naman ang gumanap sa character ni Aloya. Siya ang step mother ni Nicole sa show at likas sa kanya ang pagpapahirap sa character ni Nicole at sa kakambal nito.

Nang pumasok si Nicole bilang Snooky sa Villa Quintana, hindi naman halos nag-iba ang relasyon niya kay Tanya. Nanay niya pa rin ito pero di tulad sa Super Twins, kadugo na niya si Amparing. Bukod pa rito, ang dating kontrabidang ina ay naging mapagmahal na sa kanya.

Kuwento ni Nicole, masayang-masaya raw siya dahil nagkasama silang muli ni Tanya. “Lagi po kaming magkasama. Masaya po. Masaya kasama si Tita Tanya. Basta po kapag off-cam, ang kulit-kulit po niya. Lagi niya po ako niloloko kasi po magkasama nga po kami sa Super Twins,” saad niya.

Dagdag pa ni Nicole, naninibago raw siya sa character ni Tanya na si Amparing. “Sa Super Twins po lagi niya akong inaapi. Tapos ngayon naman po, kami 'yung mag-nanay na nagtutulungan at nagdadamayan. Kapag malungkot siya, lagi lang akong nagko-comfort kasi nga po di ba nawawala 'yung kapatid ko,” aniya.

Sa loob ng tatlong buwang pagsasama sa Villa Quintana, madalas daw ay sina Nicole at Tanya lang ang magkaeksena. Dahil dito, lagi raw silang nagtutulungan lalo na sa mga mabibigat na eksena.

Bago matapos ang interview, sinabi sa amin ni Nicole na malayong-malayo ang ugali ni Tanya sa dating roles na ginampanan niya. “’Yung roles niya lagi (ay) mataray, laging masungit, laging nang-aapi. Pero baka hindi po nila alam na mabait po talaga si Tita Tanya. Approachable (siya) at hindi po mahirap kausapin at lapitan,” pahayag niya.

Patuloy na subaybayan sina Nicole Dulalia at Tanya Garcia sa Villa Quintana, weekdays after Eat Bulaga on GMA Afternoon Prime.

 – Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com