TV

6 lines ni Amparing na nagpapayag kay Robert na makasama niya si Lynette


Nang bumisita si Robert sa bahay nina Lynette, natuklasan niyang naroon si Amparing at namasukan doon bilang kasambahay. Agad na pinaaalis ni Robert si Amparing ngunit napakiusapan niya itong hayaan siyang makasama ang tunay na anak sa isang bubong.

Narito ang six lines ni Amparing kaya niya napapayag si Robert na manatili siya sa bahay nina Lynette.

“Alam kong nanganganib ako kay Manolo, pero handa akong harapin 'yon basta makasama ko lang si Maricel ko.”

Ang inang tulad ni Amparing ay kayang ibuwis ang buhay para sa anak na nawalay. Kahit na mayroon pa siyang ibang anak na nagmamahal sa kanya, gusto niya pa ring bigyan ng pagkakataon ang sarili na makapiling si Lynette. At dahil dito, handa siyang isakripisyo ang sarili.

“Robert, alam ko magulang ka rin. Kita mo nga si Lynette, hindi mo naman tunay na anak. Pero ikaw nagpalaki, kaya pumupunta ka pa rin dito. Dinadalaw mo siya. Robert, ganoon rin ako.”

Sinubukan ni Amparing na iparamdam ang kanyang sitwasyon kay Robert. Ang gustong iparating ni Amparing ay iisa lang ang gustong mangyari ng bawat magulang, ang makapiling ang kanilang anak.

“Kahit hindi alam ni Lynette, kahit hindi niya alam na siya si Maricel ko, hindi niya alam na ako 'yung totoo niyang nanay, okay na 'ko na nandito sa tabi niya - nagsisilbi. Makita ko lang siya at makasama ko lang siya Robert.”

Ipinaalam ni Amparing kay Robert na kuntento na siyang pinagsisilbihan ang anak kahit pa bilang isang amo. Ipinakita niya kay Robert na kahit hindi alam ni Lynette ang katotohanan, basta magkasama sila ay ayos na sa kanya.

“Nakikiusap ako sa 'yo. Tulungan mo naman ako. Huwag mo akong paaalisin dito at huwag mo akong isusumbong sa Papa mo.”

Pinakiusapan ni Amparing si Robert na huwag siyang paaalisin dito. At kahit paano ay ipinakita niyang may takot pa rin siya kay Don Manolo nang sabihin niyang huwag siyang isusumbong dito.

“Robert, kapag nangyari 'yon, ako nang bahala. Kung ikamamatay ko, handa akong harapin iyon.”

Sa pagkakataong ito naman ay nangako si Amparing kay Robert na hindi niya idadawit si Robert kapag nalaman ni Don Manolo na naroon siya. Haharapin niya ang posibleng mangyari kahit na buhay niya pa ang kapalit.

“Pinaghiwalay kami ng kapalaran, na hindi ko naiintindihan kung bakit. Kaya ngayong natagpuan ko na ang Maricel ko, kahit gaano kasakit, kahit ano pa 'yan, kayang-kaya kong tiisin.”

Sanggol pa lamang nang mawalay si Maricel kay Amparing nang ipadukot ito ni Don Manolo at pinalaking si Lynette. Labing-walong taon din hinanap ni Amparing ang nawawalang anak, kaya’t nang matagpuan niya na ito, wala siyang sasayanging pagkakataon.

Patuloy na subaybayan si Tanya Garcia sa pagganap niya sa character ni Amparing sa Villa Quintana, weekdays after Eat Bulaga on GMA Afternoon.

- Text by Al Kendrick Noguera, GMANetwork.com