TV

Abel Estanislao bilang Miggy in Villa Quintana


Nang lumabas na sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez bilang Isagani at Lynette sa Villa Quintana, sinabayan din ito ng paglabas nina Juancho Trivino (Jason), Mikoy Morales (Boknoy) at Abel Estanislao (Miggy).  

Kung si Mikoy ang tumatayong kasangga ni Elmo, si Abel naman ang best friend ni Juancho at isa sa mga magpapahamak kay Isagani.

“Medyo bad boy eh. As in nanggugulpi, maangas, pero siguro may good side naman ‘yon, sana,” saad ni Abel.

At dahil pasaway ang image ni Abel, ikinuwento niya ang fight scene na ginawa nila ni Jason kay Isagani. “May mga nakunan na kaming fight scenes pero medyo harsh. Medyo mahirap kasi parang first time ko ‘yun. Pero masaya kapag nagawa mo na, parang ang sarap ulitin,” aniya.

Ang huling teleserye ni Abel ay ang Maghihintay Pa Rin. Nakasama niya rito si Kapuso actor Dion Ignacio. Ayon kay Abel, si Dion daw ang kaniyang acting peg ngayon pagdating sa bad boy image.

“Natuwa ako sa role niya (Dion) kasi habang pinapanood ko siya parang sabi ko, ang sarap laruin ng character niya. Kasi kapag nasa set na, parang hindi na siya si Dion Ignacio eh. Ibang-iba na, pati ‘yung (mga) mata niya, ‘yung galaw ng mukha niya, talagang ibang-iba. Nakakatakot,” pahayag ni Abel.

Bukod pa sa Maghihintay Pa Rin, naunang lumabas si Abel sa Teen Gen – ang itinuturing niyang big break sa showbiz. Nakasama niya naman dito sina Jeric Gonzales, Mikoy Morales at Juancho Trivino.

Makalipas ang ilang buwan, nagkasama-sama na namang muli ang magkakabarkada dahil sa Villa Quintana. Tuwang-tuwa raw si Abel nang magkaroon ng reunion ang boys ng Teen Gen.

Ikinuwento pa nga sa ‘min ni Abel ang kaniyang first taping sa Villa Quintana. “Sobrang nagulat ako noon. Una akala ko si Juancho lang, dapat isu-surprise ko si Juancho sa set. Tapos ako pala ‘yung na-surprise dahil kasama rin pala si Mikoy. Kapag nagsama-sama kaming tatlo, wala, ang kukulit na namin ulit! Puwede ito ‘yung reunion ng boys eh, although kulang lang si Jeric,” aniya.

Dahil kasama raw ni Abel sina Juancho at Mikoy, hindi raw siya nalulungkot kapag naka-stand by lang siya sa taping. Dagdag niya, “parang hindi mo napapansin ‘yung oras. Lalo na kapag si Mikoy ang kasama mo.”

Subaybayan ang pagganap ni Abel Estanislao bilang Miggy sa Villa Quintana, weekdays after Eat Bulaga on GMA Afternoon Prime. – Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com