TV

Elmo Magalona says he and Janine Gutierrez are “more than friends”


Noong nakaraang linggo ay na-feature sa Valentine's Day episode ng Tunay na Buhay ang mga bida ng Villa Quintana na sina Kapuso actors Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

Dahil may mga isyung lumalabas kina Elmo at Janine, maraming itinanong ang Tunay na Buhay host na si Rhea Santos tungkol sa totoong estado ng relationship nilang dalawa. Pero bago diretsahin ng host ay itinanong muna sa kanila kung ano ba ang naging first impression nila nang makita ang isa’t-isa.

Unang sumagot si Elmo at sinabing napansin daw niya na very confident si Janine. Ayon naman kay Janine, nakitaan niya raw agad ng galing sa pagkanta si Elmo.

At dahil November pa noong nagsimulang magkasama sa trabaho sina Elmo at Janine, tinanong sila kung anu-ano na ba ang na-discover nila sa isa’t-isa. “Mahilig siya (Janine) sa chips, sa tuyo, sa breakfast food. So, palagi siyang nauuna sa set para kumain. Pero actually, may dala siyang food,” ani Elmo.

Kuwento naman ni Janine, na-discover niya raw na passionate si Elmo sa trabaho. “What shocked me about Elmo was how serious he was about the show. So, in that way, nadala niya ako. Kapag napapansin niyang kinakabahan ako, he knows. So parang in a way, it's comforting na kami 'yung magka-partner dito,” dagdag niya.

Sunod na itinanong ni Rhea kung anong level na ba ang relationship nina Elmo at Janine. “We're as close as it can get,” mabilis na sagot ni Elmo.

Pagkatapos nito, hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Rhea at itinanong na ang dalawa ng: “In real life, kayo ba?” Tila nabigla sina Elmo at Janine sa tanong kaya’t hindi sila makasagot at panay ang kanilang tinginan at ngitian sa isa’t isa. Pero sinagot pa rin ito ni Elmo, “We're just really close.”

Dahil hindi kompirmado ang sagot ni Elmo, nagbato ng follow-up question si Rhea: “How would you describe your relationship with each other?” Hindi rin nakasagot ang dalawa rito at natatawa na lang si Janine habang nakatitig kay Elmo.

Dahil speechless sina Elmo at Janine tuwing itinatanong ang tunay nilang relasyon, nagbiro na lang ang Tunay na Buhay host sa dalawa na kung gusto ba nila ay off-cam na lang nila sagutin si Rhea.

Pero hindi pa rin tinigilan ni Rhea ang dalawa at iniba lamang ang tanong: “Totoo ba 'yung mga naglalabasang [balita] na kayo na?” Siguro ay inisip ni Elmo na hindi na sila makaiiwas kaya’t sumagot na siya, “we're more than friends.”

Sa huli, inamin ng dalawa na special sa kanila ang isa’t isa. “It's special because I can't really explain it,” saad ni Elmo.

Patuloy na subaybayan sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez sa Villa Quintana, weekdays after Eat Bulaga on GMA Afternoon Prime. – Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com