
High school pa lang, pangarap na ni Radson Flores ang maging artista. Noon pa lang, kasa-kasali na siya sa school drama clubs.
Hindi niya inakalang makakapag-perform siya sa mas malaking platform matapos siyang sumali sa reality talent search ng GMA na StarStruck.
Kalakip nito ang pagpirma ng kontrata sa talent management arm ng network na Sparkle.
"It opened a clear path for me sa performing arts na maging trabaho kasi during high school po kasi kasama lang ako sa mga drama club, 'yung mga gano'n-gano'n lang.
"Gusto ko po makaabot sa parang a higher platform po na performing arts and parang wala po kasi akong way, idea kung paano s'ya ma-a-achieve," bahagi ni Radson sa panayam ng GMANetwork.com sa online mediacon ng Voltes V: Legacy noong April 5.
Mula sa pagganap sa mga minor role noon, isa na ngayong bida si Radson sa teleserye.
Isa ang aktor sa mga aabangan sa Voltes V: Legacy, kung saan gaganap siya bilang Mark Gordon, ang rodeo champion ng Voltes V team.
Ayon kay Radson, dito niya napatunayan na posible palang maging trabaho ang bagay na libangan lang niya noon.
"For sure na magiging proud din 'yung high school self ko po."
Taong 2019 nang pasukin ni Radson ang showbiz nang sumali sa seventh season ng StarStruck, kung saan nagtapos siya bilang isa sa top 12 Avengers.
KILALANIN PA SI RADSON FLORES SA GALLERY NA ITO: