GMA Logo carla abellana and dennis trillo
What's on TV

Carla Abellana, masaya sa reunion nila ni Dennis Trillo sa 'Voltes V: Legacy'

By Jansen Ramos, Aaron Brennt Eusebio
Published April 13, 2023 2:23 PM PHT
Updated April 13, 2023 2:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

carla abellana and dennis trillo


Carla Abellana on working again with her 'My Husband's Lover' co-star in 'Voltes V: Legacy:' 'Walang kupas si Dennis Trillo.'

Muling mapapanood in one show sina Carla Abellana at Dennis Trillo, na unang nagkasama sa pinag-usapang LGBT-themed series na My Husband's Lover na ipinalabas noong 2013 sa GMA Telebabad.

Ayon sa aktres, masaya siyang muling makatrabaho si Dennis na asawa niya sa inaabangang Voltes V: Legacy.

"Working with Dennis is always such an honor," panimula ni Carla nang makapanayam ng GMANetwork.com.

"Yan 'yun 'pag nalaman mong makakasama mo si Dennis, ayun 'yun parang relieved ka 'cause you know he will deliver. He's very professional.

"Matagal na rin kaming magkakilala so okay kasi alam mong may susuporta sa 'yo sa role mo, may mga makakaeksena ka na mahusay saka Dennis Trillo 'yan. So at least maganda na working with Dennis, iba-iba din 'yun projects na pinagsamahan namin."

Sa My Husband's Lover, third party ang role ni Dennis, gumanap na Eric, sa mag-asawang Lally at Vincent, ginampanan nina Carla at Tom Rodriguez.

Nagkasama rin sina Dennis at Carla sa 2017 drama fantasy series na Mulawin vs. Ravena kung saan gumanap si Dennis na Gabriel Montenegro, samantalang si Carla ay si Aviona.

Ani Carla, maganda na iba't iba ang genre ng mga programang pinagsasamahan nila ni Dennis.

Patuloy niya, "Noong una sa My Husband's Lover. hindi kami okay do'n, kontrabida siya do'n, third party siya. Sa Mulawin vs. Ravena, iba din 'yung relationship namin pati 'yung characters and then, of course, dito naman sa Voltes V, mag-asawa na. So iba-iba 'yung partnership."

Papuri pa ni Carla kay Dennis, "And he's the same, walang kupas si Dennis Trillo na napakahusay at professional na aktor."

Bibigyang-buhay ni Carla sa live-action adaptation series ng Voltes V ang role na Mary Ann Armstrong, ang asawa ni Ned Armstrong, na gagampanan ni Dennis.

May tatlong anak sina Mary Ann at Ned na sina Steve, Robert, at Little Jon na tatlo sa bubuo sa Voltes V team.

Magpe-premiere ang Voltes V: Legacy sa SM Cinemas sa April 19 bago ito ipalabas sa telebisyon sa Mayo. Mapapanood ang cinema run ng programa hanggang April 25.

Sa mga nais bumili ng ticket, bisitahin ang SMCinema.com o SM Cinema app. Available din ito sa SM Cinema ticket counters.

Ang Voltes V: Legacy ay mula sa panulat ni Suzette Doctolero at sa direksyon ni Mark Reyes.

NARITO ANG IBA PANG ARTISTA NA MAPAPANOOD SA HIGHLY ANTICIPATED LIVE-ACTION ADAPTATION SERIES: