TV

Carla Abellana, saksi sa improvement ng 'anak' na si Raphael Landicho

By Jansen Ramos

Maituturing na ngang 'nanay' sa showbiz ng child actor na si Raphael Landicho ang aktres na si Carla Abellana.

Matapos gumanap na mag-ina sa 2020 family drama series na Love of My Life, muling magsasama sina Carla at Raphael via Voltes V: Legacy.

Nanay din dito ni Raphael si Carla, na gaganap bilang Mary Ann Armstrong. Si Mary Ann ang ina ng Armstrong brothers na sina Steve (Miguel Tanfelix), Robert (Matt Lozano), at Little Jon (Raphael).

Sa panayam ng GMANetwork.com, inilahad ni Carla ang kanyang paghanga sa child actor noong una niya itong nakatrabaho.

"Una ko s'yang napanood, of course, he was much younger sa iba siyang teleserye noon and nakita ko agad nag-stand out 'yung acting abilities no'ng bata.

"Sabi ko talaga, I would love to work with Raphael Landicho, so 'yung aking unang beses na nakatrabaho si Rap-Rap, as we call him, was 'yung sa Love of My Life. Blessing 'yun sa amin na naging parte siya ng Love of My Life. He played the role of my son doon."

Ngayong muli silang nagkasama sa teleserye, napansin si Carla na malaki ang in-improve ni Raphael na gaganap na isa sa lead cast ng Voltes V: Legacy.

Ani Carla, "Super happy ako sa reunion namin so ito 'yung second na project namin together sa Voltes V, so I'm very happy.

"Kasi unang-una, very proud ako sa kanya na isa s'ya do'n sa five sa Voltes V. My goodness, much-deserved naman n'ya 'yung role na 'yun.

"This time around, mas makulit na s'ya, mas malaki na s'ya lengthwise and mas matangkad na s'ya. Syempre, mas maukit na 'yung personality n'ya. Mas lumalabas na s'ya, parang he's starting to come out of his shell. Hindi naman sa hindi na siya mahiyain but, at least, he's more confident now.

"So super enjoy s'ya katrabaho. Love na love ko 'yan, lagi ko siyang niyayakap. Lagi kaming nagbibiruan 'pag taping sa Voltes V."

Magpe-premiere ang Voltes V: Legacy sa SM Cinemas sa April 19 bago ito ipalabas sa telebisyon sa Mayo. Mapapanood ang cinema run ng programa hanggang April 25.

Sa mga nais bumili ng ticket, pumunta lang sa SM Cinema ticket counters, o bumista sa SMCinema.com o SM Cinema app.

Ang Voltes V: Legacy ay mula sa panulat ni Suzette Doctolero at sa direksyon ni Mark Reyes.

NARITO ANG IBA PANG ARTISTA NA MAPAPANOOD SA HIGHLY ANTICIPATED LIVE-ACTION ADAPTATION SERIES: