TV

Volt in sequence sa 'Voltes V: Legacy,' pinag-usapan online

By Jansen Ramos

Bukambibig ng madla ang top trending TV premiere ng Voltes V: Legacy kagabi, May 8.

Sa unang episode pa lang ng serye, marami ng iconic na detalyeng ipinakita na nostalgic para sa Voltes V fans.

Kabilang na riyan ang launch conveyors sa Camp Big Falcon at ang cockpit ng Voltes V team na realistic ang dating. Binubuo nina Steve Armstrong (Miguel Tanfelix), Mark Gordon (Radson Flores), Robert "Big Bert" Armstrong (Matt Lozano), Jamie Robinson (Ysabel Ortega), at Little Jon (Raphael Landicho) ang Voltes V team.

Kapansin-pansin ang attention to detail na ibinuhos sa pagbuo ng visual effects dahil dama na ang aksyon cockpit pa lang. Mapapansin ang makatotohanang pagkontrol ng mga artistang gumaganap bilang Voltes V team sa kanilang flight deck habang sila ay tila nasa himpapawid kahit pa gawa ito sa CGI.

Higit namang nagpatindig ng balahibo, lalo na ng '80s at '90s kids, ang volt in sequence ng Voltes V team para mabuo ang super robot na si Voltes V habang tumutugtog ang official theme song ng anime na "Voltes V No Uta" na inawit ni Julie Anne San Jose para sa Voltes V: Legacy.

May ilang netizens ang nagbahagi ng side by side comparison ng volt in sequence mula sa original version at sa live-action na 46 years ang pagitan.

Kapansin-pansin ang pagbabago at malaking improvement sa visuals dahil detalyado at tila humanized ang galaw ng super robot, na gawa sa CGI, kumpara sa cartoon version. Pero iisa ang tiyak, pareho pa rin ang excitement na nadama ng Voltes V fans.

Ayon sa Facebook user na si Raffy Robles, "Nakakapanginig talaga ng laman ung 2023 volt-in sequence…Ang astig talaga sobra!."

"It's so amazing to see the Voltes v machine into live action!!!!," komento naman ni Der Sien Sienjie.

Para naman kay Roland De Ocampo, proud siya sa pag-angat ng Philippine TV pagdating sa CGI dahil sa Voltes V: Legacy.

Sulat niya sa Facebook,."both are maganda, lets be honest na yung 1977 anime ay yung nakagisnan natin since then which is maganda talaga, but with the Voltes V: Legacy edition dito pinakita ng mga pinoy na kaya natin ilevel up lahat sympre cgi siya, it may be not like marvel or transformers kasi iba level sa budget pero nakaka-proud na ako naabutan ko both version ng voltes v, at ngayon masasabi ko voltes v legacy bridges the gap of generation then & now."

Sa pagpapatuloy ng Voltes V: Legacy, mapapanood ang kwento ni Baron Hrothgar (Dennis Trillo), ang Boazanian na walang sungay.

Ipapalabas ang Voltes V: Legacy gabi-gabi, 8 p.m. sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Kasabay eere sa GMA Channel 7 ang action-packed drama sa GTV at sa digital channels na I Heart Movies at Pinoy Hits, na available sa GMA Affordabox, GMA Now, at sa iba pang digital television boxes.

Available rin ito sa flagship international channel ng GMA na GMA Pinoy TV. Para mapanood ito overseas, mag-subscribe sa GMA Pinoy TV.

Bukod sa telebisyon, ipapalabas din ang Voltes V: Legacy online via livestream. Maaari itong mapanood sa GMANetwork.com, at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Kung ma-miss mo man ito, magiging available ang catch-up episodes at episodic highlights ng serye at ng iba pang programa ng GMA online pagkatapos ng pag-ere sa TV.

NARITO ANG CAST NG VOLTES V: LEGACY: