GMA Logo voltes v legacy ratings
What's on TV

'Voltes V: Legacy' dominates TV ratings game on its pilot week

By Jansen Ramos
Published May 16, 2023 12:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

voltes v legacy ratings


Dahil sa buong puso ninyong pag-volt in, panalo sa TV ratings ang 'Voltes V: Legacy' sa unang linggo nitong pagpapalabas.

Mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa bagong sinusubaybayang GMA Telebabad series na Voltes V: Legacy na nag-premiere noong May 8.

Trending na, consistent pang panalo sa combined TV ratings ang action-packed drama, base sa preliminary overnight data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng market research firm na Nielsen Philippines.

Nakapagtala ng mas mataas na ratings ang Voltes V: Legacy, na mapapanood sa GMA, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits, kumpara sa katapat nitong programa na ipinapalabas sa iba't ibang istasyon mula May 8 hanggang May 12.

Kung susumahin, nakakuha ang Voltes V: Legacy ng average rating na 13.22 percent sa unang linggo nito.

Sa unang linggo ng Voltes V: Legacy, ipinakilala ang limang young heroes na tagapagtanggol ng planetang Earth sa humanoid aliens na mula sa planetang Boazan.

Bumuo ng isang ultraelectromagnetic weapon ang Camp Big Falcon na gagamitin ng lima, na kikilalaning Voltes V team, kontra sa beastfighters ng imperyong Boazania na sasalakay sa planeta ng mga tao.

Tinalakay din ang kuwento ng ministro ng agham ng Boazania na si Hrothgar na napadpad sa Earth matapos tumakas sa Boazan.

Patuloy na subaybayan ang Voltes V: Legacy mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng gabi sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pag GMA owned and operated online landforms.

SAMANTALA, KILALANIN ANG UNANG BEASTFIGHTER NA KAKALABANIN NG VOLTES V SA GALLERY NA ITO: