GMA Logo voltes v legacy
What's on TV

'Voltes V: Legacy,' ipinapalabas sa plaza sa Samar at Davao

By Jansen Ramos
Published May 25, 2023 5:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Old woman in Minglanilla, Cebu killed in house fire
Old woman in Minglanilla, Cebu killed in house fire
Left a lighter in your car? Your old habits could be a major fire hazard

Article Inside Page


Showbiz News

voltes v legacy


Ipinapalabas ang 'Voltes V: Legacy' sa LED screen sa isang plaza sa Catbalogan City at Davao City para buong bayan ang makapanood ng bagong paboritong GMA primetime series.

Maging sa Visayas at Mindanao ay talagang sinusubaybayan din ang pinag-uusapang Voltes V: Legacy.

Patunay diyan ang pagpapalabas ng primetime series sa malaking LED screen sa isang plaza sa Catbalogan City, Samar para buong bayan ang makapanood.

Ayon sa post ng Voltes V: Legacy fan na si Ryan Socorro Dy, matatagpuan ito sa city hall ng nasabing bayan.

Ishinare niya ito sa Facebook public fan group ng Voltes V: Legacy na may mahigit 44,000 members.

Sa comments section ng nasabing post, ipinakita rin ni Onichan Lewis Tan ang nakuhanan niyang larawan ng isang widescreen sa San Pedro street sa Davao City na nagpapalabas din ng Voltes V: Legacy.

Samantala, nakarating na rin ang Voltes V: Legacy fever sa iba't iba pang bahagi ng bansa mula Luzon hanggang Mindanao.

A post shared by GMA Regional TV (@gmaregionaltv)

A post shared by GMA Regional TV (@gmaregionaltv)

A post shared by GMA Regional TV (@gmaregionaltv)

A post shared by GMA Regional TV (@gmaregionaltv)

A post shared by GMA Regional TV (@gmaregionaltv)

Sa Cebu naman, pami-pamilya ang sumusubaybay sa Voltes V: Legacy at sama-samang nanood ng kinagigiliwang programa.

Subaybayan ang Voltes V: Legacy Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.

BALIKAN ANG LABAN NINA VOLTES V AT DOKUGAGA SA GALLERY NA ITO: