
Mas lalong titindi ang hamon sa grupo ni Steve Armstrong (Miguel Tanfelix) dahil sa second beastfighter na makakalaban nila na si Vaizanger.
Sa eksklusibong report ng “Chika Minute” kagabi (May 26), may pasilip na sa design at kapangyarihan ng kamanga-mangha na beastfighter na makakalaban ni Voltes V.
Nagkuwento rin ang managing director ng Riot Inc. at visual effects director ng Voltes V: Legacy na si Jay Santiago tungkol sa inspirasyon nila sa pagbuo kay Vaizanger.
Sabi nito, “Kinuha namin inspiration 'yung mga Japanese design na 'pag nakita mo ito na 'yun, e. Kasi, I see a lot of artists 'di ba sa Facebook and all online, gagawa sila ng mga designs nila. 'Yung iba totoo ang ganda-ganda, but ikaw unang tingin mo lang may mali, e. It's the face.”
“You have to make the face correct,” dagdag pa niya.
Subaybayan ang Voltes V: Legacy, Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.
HETO PA ANG ILANG DETALYE TUNGKOL SA BEASTFIGHTER NA SI VAIZANGER DITO: