What's on TV

Award-winning post prod agency na Riot Inc, katulong sa pagbuo ng 'Voltes V: Legacy'

By Jansen Ramos
Published February 11, 2023 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Dec. 16, 2025) | GMA Integrated News
P20.6M illegal drugs seized in Tagbilaran City, Bohol
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

riot inc


Ayon sa sa managing director ng Riot Inc. at visual effects director ng 'Voltes V: Legacy' na si Jay Santiago, sinisigurado nilang realistic at believable ang bawat galaw ng mega robot na Voltes V sa live-action adaptation series.

Sinisigurado ng post-production team ng Voltes V: Legacy na makatotohanan ang bawat galaw ng mega robot na Voltes V.

Humanoid pa rin ang dating ng mecha o may wangis ng isang tao kaya ang bawat dugtong ng katawan nito ay layer by layer na idinisenyo at in-execute ng award winning post production agency na Riot Inc.

Kung ang dati ay flat o diretso lang tingnan ang katawan ng Voltes V sa cartoon version, ngayon ay maskulado na ito at detalyado ang disenyo sa live-action adaptation ng Japanese anime, ayon sa managing director ng Riot Inc. at visual effects director ng Voltes V: Legacy na si Jay Santiago.

"Tinitingnan namin 'yung mga engineering parts niya especially when going towards the Volt In sequence. It should be realistic and believable na magdidikit sila," bahagi ni Santiago sa panayam ni Nelson Canlas para "Chika Minute" ng 24 Oras kagabi, February 10.

Itinuturing na most expensive project ng GMA ang Voltes V: Legacy pagdating sa ganitong genre.

Patunay diyan ang re-imagined form ng Voltes V na eksakto sa mga weapon sa anime tulad ng electro magnetic top, Voltes bazooka, electromagnetic whip, at laser sword

Dagdag ni Santiago, "Ito 'yung matalino doon so the technologies would be a little bit more advanced but, at the same time, they share a common design."

Aabot sa 100 post-production artists ang nagtulong-tulong sa loob ng mahigit dalawang tao para mabuo ang Voltes V: Legacy.

Malaking parte rin ng pag-develop sa live-action adaptation series ang inhouse post production department ng GMA na namamahala naman sa lahat ng set extension, kabilang ang Camp Big Falcon, Boazanian sets, at interior ng Voltes V cockpit at airships.

Panoorin ang buong report sa video sa itaas.

Mapapanood ang Voltes V: Legacy sa second quarter ng 2023, ayon sa direktor nitong si Mark Reyes.

Ito ay mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero.

Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng Toei at ng licensing agent nito sa Pilipinas na Telesuccess Productions, Inc.

NARITO ANG MGA ARTISTANG MAPAPANOOD SA VOLTES V: LEGACY: