
Source ng entertainment ang Voltes V: Legacy pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na araw sa trabaho para sa mga commuters.
Sa post ng Facebook user na si Gilmartin Guerrero noong May 25, ishinare niyang masaya niyang naabutan ang GMA Telebabad series na ipinapalabas sa pampasaherong bus na kanyang nasakyan na may byaheng papuntang Cavite.
Kalakip nito ang larawan ng TV screen sa PUV na ipinapalabas ang pagkilala sa Voltes V team matapos ang matagumpay na laban nila sa Boazanian beastfighter na si Dokugaga.
"Dahil late na ang uwi ko galing work, nood din ng Voltes V Legacy sa bus pauwi. Salamat sa driver/conductor. Hehe," ani ng tagasubaybay ng Voltes V: Legacy.
Tinawag namang "one epic ride" ni Gilmartin ang kanyang experience habang pauwi ng kanilang bahay.
Nakakaaliaw rin niyang sinagot ang iba pang nagkomento sa kanyang post.
Sa episode ng Voltes V: Legacy ngayong May 29, mapapanood ang pagpapatuloy na laban nina Voltes V at Vaizanger, ang ikalawang beastfighter.
Sa kanilang bakbakan, papagitna ang ina ng Armstrong brothers na si Mary Anne, na malalagay ang buhay sa panganib.
Subaybayan ang Voltes V: Legacy Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.