TV

Butterfly return technique, mapapanood na ngayong gabi sa 'Voltes V: Legacy'

By Jansen Ramos

Inaabangan na sa Voltes V: Legacy ang recreation ng isa pang iconic na eksena sa Voltes V na butterfly return technique.

Ipagpapatuloy ng Armstrong brothers na sina Steve (Miguel Tanfelix) at Big Bert (Matt Lozano) ang kanilang pagsasanay para ma-perfect ang secret skill na ito na mapapanood na ngayong gabi, June 7.

Bilang lider ng grupo, gagamitin ni Steve ang technique na ito kontra sa ikatlong Boazanian beastfighter na si Gardo, isang halimaw na bihasa sa paggamit ng espada.

Ang butterfly return technique ay ang pagpigil sa espada ng kalaban sa pamamagitan ng pag-ipit dito gamit ang dalawang kamay. Pwersahan nitong pipigilan ang kalaban na magamit ang kanyang armas o 'di kaya'y pababagsakin ang kalaban.

Magtagumpay kaya si Steve sa paggamit ng butterfly return technique para mapatumba si Gardo? Panoorin 'yan sa Voltes V: Legacy Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits. Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.

SAMANTALA, KILALANIN ANG HULING BEASTFIGHTER NA NAPABAGSAK NI VOLTES V SA GALLERY NA ITO: